Linggo, Disyembre 23, 2012

Activity #3

"Ang Simbahan sa Gitnang Panahon"

Ang Simula ng Kristiyanismo

Isinilang ang isang sanggol sa Bethlehem na sinamba ng sanlibutan bilang Anak ng Diyos. Siya ay si Jesus Christ na tinawag na Mesiyas o Tagapagligtas. Si Hesus ay lumaki sa Nazareth at siyya ay nagtrabaho bilang karpintero at nag-aaral ng mga kasulatan ng mga propeta. Sa huling tatlong taon ng kanyang buhay, siya ay naglakbay upang mag-aral.

Nang ipako sa krus at muling nabuhay, itinatag ni Hesus ang Kristiyanismo na sumibol mula sa Judaismo. Ang mga Kristiyano ay naniniwalang si Hesukristo ang katuparan sa ipinangako sa Lupang Tipan na manunubos, at siya rin ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas ang sangkatauhan.






Pinaniniwalaan na siya ay ipinako sa krus at muling nabuhay sa ikatlong araw, umakyat sa langit at muling magbabalik upang maghukom sa lahat ng tao ayon sa mga kabutihan at kasalanang nagawa.
Ang pangunahing aral ni Hesukristo na "Dapat mahalin ang Diyos ng higit sa lahat at mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa  sarili", ang siyang pangunahing doktrinang bumubuo sa kristiyanismo.

Ang Paglaganap ng Kristiyanismo

Ang kristiyanismo ay lumaganap sa silangan at kanlurang bahagi ng Imperyong Roman. Nang maitatag ang Simbahang Kristiyano sa maraming lupain, ito ang nakatulong upang mapabilis ang pagkalat ng Kristiyanismo.

Isang Hudyong tubong Galilee ang isa sa mga pangunahing misyonero. Ito ay si Apostol Pedro, isang dating mangingisda. Marami sa kanyang kababayan ay nananampalataya kay Hesus at nagsimulang mamuhay ayon sa kanyang mga aral.

Ang Kristiyanismo ay naging opisyal na relihiyon sa Imperyong Roman. Sinuportahan ito ng mga emperador na sina Constantine at Theodosius. Ang mga Frank ay nagsimulang magtatag ng kanilang bansa sa silangan at sa hilaga ng Gaul. Ang panananampalataya ng mga Frank ay nagbigay-daan sa pagyakap ng Kristiyanismo. Si Augustine, isang misyonerong monghe ay nahikayat na magpabinyag bilang Kristiyano.

Ang Organisasyon ng Simbahan

Ang buong pamunuan ng simbahan ay tinawag na herarkiya (hieracrchy). Ang pinakamataas na antas sa herarkiya ay ang Papa. Dahil ang Roma ang unang kabisera ng pamahalaang Roman, kinilala ang Papa sa Roma bilang pinuno ng lahat ng Obispo sa Kanlurang Europa. Ang Papa na ang naging ulo ng simabahan.

Katulong ng Papa ang isang Curia, na binubuo ng mga Kardinal na pinili mula sa pangkat ng Arsobispo. Kapag namatay ang isang Papa, ang mga Kardinal ang pumipili ng kanyang kapalit. Ang kapangyarihan ng Papacy ay nagmula kay San Pedro o St.Peter, na pinuno ng mga apostoles. Ang Papacy ay may tungkuling pambatasan, tagapagpaganap, at panghukuman. Nagtatatag din siya ng mga diocese, humihirang ng mga Obispo, kumukontrol sa mga orden panrelihiyon, namamahala sa mga misyon, nagtatatag at nangangasiwa ng mga unibersidad, at nagsasagawa ng mga seremonya para sa nagiging santo (canonization). Ang Papacy rin ang nagkakaloob ng indulhensiya at nagpapatupad ng mga regulasyon sa pagsamba.


Ito rin ang nagtatakda  ng mga patakaran sa pagsasagawa ng mga pamaraang panghukuman, nagpapatawad ng mga kasalanan, at nagbabago ng mga parusa. Nagpapadala ang Papacy ng mga nuncio at delegadong Apostoliko sa buong daigdig upang mapanatili ang pakikipagtalastasan sa mga Obispo.

Ang kardinal ay pumapangalawa sa Papa. Tinawag na kolehiyo ng mga Cardinal ang kabuuan ng mga kardinal na naghahalal sa Papa.



Ang Relasyon ng Tao at Simbahan

Ang simbahan ang kumakatawan sa isang Katoliko Romano. Tumatanggap ito ng sakramento ng binyag, kumpil, misa, kumpisal, kasal, at paglilibing. Si Augustine ay ipinadala sa Britain upang binyagan ang hari ng Kant at si Bonaife naman ay ipinadala sa Alemanya upang mangaral sa mga salita ng Diyos.

Augustine

Sa unang araw ng Kristiyanismo sa Syria at Ehipto, naitatag ang monasteryo. Naisip ni St.Benedict, na isang monghe, ang pagkakaroon ng alituntuning susundin ng monghe. Noong 519 CE, itinatag ang monasteryo sa Monte Casino at dito pinairal ang tatlong banal na panata ng kahirapan, kalinisan, at pagtalima sa utos ng Diyos. Tinawag ang panatang ito na Benedictine Rule. Ang panatang kahirapan ay nangangahulugan na ang isang monghe ay walang anumang ari-arian at kayamanan at kung mayroon ang mga ito ay  kailangan nila itong ipamigay. Ang panata naman ng kalinisan ay ang hindi pag-aasawa, samantalang ang panata ng pagsunod ay ang pangakong susundin ang ipinag-uutos ng abbot na siyang pinakamataas na opisyal ng monasteryo.
Ang pangunahing gawain ng mga monghe, ay ang pagdarasal. Para sa mga monghe, ang paggawa ang tunay na paglilingkod sa Diyos. Marunong magsaka, mag-alaga ng hayop, maglinis at gumawa ng iba pang gawain ang mga monghe.

Ang mga paaralan noong mga panahon na iyon ay itinatag ng mga monghe. Kinalinga rin nila ang mga maysakit, ang mga mahihirap, at mga manlalakbay. Malaki ang naitulong ng simbahan sa larangan ng kabuhayan. Ang simbahan din ang tumulong sa pagkakaroon ng tamang presyo sa panahong muling nabubuhay ang kalakalan at industriya. Sinikap ding pangalagaan ang mga nanghihiram ng pera sa pamamagitan ng pagbabawal ng magpataw ng interes.

Ang Krusada

Ang krusada ay banal na digmaan ng mga Kristiyano mula sa Kanlurang Europa upang mabawing muli  ang Banal na Lupain mula sa kamay ng mga Muslim. Ang krusada ay unang isinagawa noong 1096 at nagwakas sa huling bahagi ng ika-13 na siglo. Ang salitang krusada ay unang ginamit upang ilarawan ang mga pagsisikap ng mga taga-Europa na mabawi mula sa mga Muslim ang banal na lungsod ng Jerusalem na siyang lugar kung saan pinako si Hesukristo. Sa pagdaan ng panahon, ang Krusada ay ginamit upang ilarawan ang mga isinasagawa ng mga militar na Europeo laban sa mga hindi Kristiyano.

Pinagmulan ng Krusada

Pagkaraan ng kamatayan ni Charlemagne, ang Kristiyanong Europa ay napasailalim sa pag-atake ng mga dayuhan. Pinasok ng mga Magyar mula sa Asya ang Silangan at Gitnang bahagi ng Europa hanggang sa ika-10 na siglo. Sa simula ng 800 CE, ginulo ng mga Viking ang pamumuhay sa hilagang bahagi ng Europa at maging ang mga lungsod sa Mediterranean. Nagtatag ng himpilan ang mga militar ng Islamsa Italy at nawalan ng kapagyarihan ang Imperyong Byzantine.

"Mga Iba't Ibang Krusada"
Unang Krusada (1095-1099 CE)

May mga nangaral sa mga kanayunan at hinikayat ang mga tao na sumama. Isa sa mga nangaral ay si Peter, the Hermit. Pinangunahan niya ang Unang Krusada na sinamahan ng tinatayang 5,000 tao na binubung o ng mga magsasaka.
Inihanda ng mga panginoong pyudal sa Europa ang kanilang mga kabalyero para sa pakikidigma sa mga Muslim noong huling bahagi ng 1096. Namuno sa krusadang ito sina Robert, ang Duke ng Normandy; si Raymond VI, Konde ng Toulouse at si Godfrey, ang Duke ng Lomer Lorraine. Tagumpay nilang nabawi ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng maliliit na kaharian sa Palestine. Nanatili sa kamay nila ang Jerusalem hanggang 1187, ngunit muli itong naagaw ng mga Muslim.
Ikalawang Krusada (1147-1149 CE)

Ang Edessa ay hawak ng mga Turko noong 1144. Ang pangyayaring ito ang nagbunsod upang ilunsad ang Ikalawang Krusada. Pinangunahan ito nina Haring Louis VII ng France at Conrad III na Emperador ng Imperyo ng Rome. Tinungo ng hukbo ang Banal Asya Minor, subalit hindi pa nila nararating ang Edessa nang natalo na sila ng mga Turko.
Ikatlong Krusada ( 1187-1192 CE)

Napabalita ang pag-agaw ni Saladin, ang pinuno ng Muslim sa Jerusalem. Tinugon ito ng Ikatlong Krusada na pinangunahan nina Haring Richard I ng Britain, Haring Philip Augustus ng France, at Emperador Frederick Barbarossa ng Banal na Imperyong Roman. Naging malungkot ang kahinatnan ng Ikatlong Krusada. Nalunod si Emperador Frederick habang tinatawid ang isang ilog sa Asya Minor. Nagtalo naman sina Haring Philip Augustus at Haring Richard I.

Ikaapat na Krusada (1202-1204 CE)

Sa paghihikayat ni Pope Innocent III sa mga pangkat ng mga kabalyerong French ay inilunsad ang Ikaapat na Krusada. Ang pangkat ay nakasentro sa bansang Ehiptona itinuring na sentro ng kapangyarihang Muslim.
Ginamit nila ang mga sasakyang bapor ng Venice sa pag-asang maaagaw ang krusada ang Zara, ang lungsod sa baybayin ng Dagat Adriatic na siyang karibal ng Venicesa larangan kalakalan at komersiyo sa Constantinople. Pagkaraang maagaw ang krusada ang Zara, sunod nilang inatake ang Constantinople noong 1204.
Ikinagalit ng Europa ang ginawang ito ng mga kasapi ng Ikaapat na Krusada. Pinatawan  ni Papa Innocent III ng parusnag pagtitiwalag sa simbahan ng buong hukbo na umatake sa Zara. Pagkaraan ng limampung taon, muling nabawi ng Byzantine ang Constantinople, ngunit ang pagsalakay sa lungsod ay nagbunga ng pagsisimula ng pagbagsak ng Imperyong Byzantine at paglawak ng agwat ng Simbahang Katoliko sa silangan at kanluran.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento