Huwebes, Disyembre 27, 2012

Activity #5

"Ang Mga Bayan at Lungsod sa Panahong Metal"


Ang Pag-unlad ng Kalakalan

Pagkaraan ng halos 400 CE, halos naglaho ang kalakalan sa Kanlurang Europa. Bagama't may palitan ng prdukto, hindi ito malawak at laganap.

Lumiit ang populasyon sa mga lungsod at bayan. Sa pagbagsak ng komersiyo, may ilang bayan na tuluyan ng naglaho.

Sa peninsula ng Italy, muling nabuhay ang kalakalan dahil sa maganda nitong kinaroroonan. Ang mga produkto mula sa Silangan ay dinadala pakanluran ng mga mangangalakal na Intsik at Muslim sa pamamagitan ng tatlong ruta.

  1. Mula sa daungan sa Black Sea ay nagtungo sila sa Constantinople sakay ng mga barkong pangangalakal
  2. Mula sa Indian Ocean at Red Sea hanggang marating ang mga daungan sa Ehipto
  3. Mula sa Persian Gulf ay naglakbay ang mga mangangalakal hanggang marating ang kalupaan patungo sa mga daungan sa Silangang Mediterranean
Ang mga Italyano ang tagapamagitan ng mga mangangalakal galing sa Asya at sa mga mangangalakal buhat sa Kanlurang Asya at Hilagang Europa. Ang ruta sa kalakalan ay nagpasigla at nagpalago ng mga lungsod sa Lombardy, Timog France, at Alemanya.

Ang muling paglakas ng komersiyo ay nagpasigla rin sa Hilagang Europa. Bago ang taong 1000 CE, ang mga mangangalakal na Viking mula Kiev ay madalas maglakbay mula sa Black Sea patungong Constantinople upang mangolekta ng mga paninda mula sa Silangan. Dinala ang mga ito pahilaga at ibinenta sa mga lungsod sa Hilagang Europa.

Ang dating rutang daanan ng mga Viking ay nagdurugtong sa Baltic Sea at North Sea sa Britain, baybayin ng Atlantic sa Europa, at sa Mediterranean Sea. Ang rehiyon ng Flanders na ngayon ay bahagi ng Belgium at Hilagang France ang tagpuan ng mga ruta patungo sa ibayo ng France, pababa ng Rhine River sa Alemanya, sa English Channel sa Britain hanggang baybayin sa Baltic Sea.

Ang damit na yari sa lana na pangunahing produkto ng Flanders ay naging mabenta sa buong Europa. Ang Flanders ay naging punong himpilan ng mga kayo (leather) sa Europa noong 1200.

Ang Sistemang Guild

Umunlad ang mga guild noong Gitnang Panahon. Ito ay pangkat na binuo upang pangasiwaan ang produksiyon at komersiyo. Binuo ito ng mga mangangalakal upang pigilin ang pagpasok ng mga tagalabas na nagbebenta ng kanilang produkto nang hindi nagbabayad ng buwis. Ang samahan ng mga mangangalakal ay nanguna sa pamamahala ng mga bayan at tumulong sa mga kawanggawa at pagpapatayo ng paaralan.

Nagkaroon din ng samahan ng may espesyalisasyon (craft guild). Ang craft guilds ay binuo ng mga sapatero, platero, gumagawa ng baril, at iba pa. Ang samahang ito ang kumontrol sa kalidad at presyo ng mga produktong ibinenta sa mga pamilihan.

Ang guild ay isang samahan na ang pangunahing layunin ay protektahan ang interes ng mga kasapi. Ang bawat guild  ay may sinusunod na patakaran.

Ang gulid ng artisan ay nangangasiwa sa pagsasanay ng isang tao sa pamamagitan ng sistemang apprenticeship. Obligasyon ng apprentice na sundin ang lahat ng utos ng master at kailangang manatiling lihim ang sikreto ng sining at paggawa na natutuhan niya sa master. Ikalawa, ang apprentice ay magiging journeyman, isang bihasang artisan na naglilingkod sa isang panibagong master at tumatanggap ng sahod.

Ang Hanseatic League

Ang mga mahahalagang komersiyal na lungsod sa baybayin ng North Sea at Baltic Sea, tulad ng Hamburg, Lubeck, at Bremen ay bumuo ng ligang tinawag na Hanseatic. Binuo ito upang mabigyan ng proteksiyon ang mga gawaing pangkomersiyo. Ito ay nagkaroon ng malakas na impluwensiya sa komersiyo. Ang mga lungsod na kasapi g liga ay may permanenteng himpilan ng kalakalan sa Flanders, Scandinavia, Britain, at Russia. Kapag ang isang kasapi ay lumabag sa anumang kasunduan, inaalis ng mga pribilehiyong pangkalakalan na kanilang tinatamasa.

Bunga ng Muling Pagsigla ng Kalakalan

Ang kapital ng pera, lupain o makinang ginagamit sa pamumuhunan. Ang kapitalismo ay isang sistemang pang-ekonomiyakung saan ang mga pribadong indibidwal ay gumagamit ng kanilang kayamanan para gawing puhunan. Naging mahalaga ang sistemang ito sa mga huling bahagi ng Gitnang Panahon.

Ang mga may malalaking kapital ay nagtatag ng kompanya sa pagbabarko. Namuhunan din ang mga kapitalista sa mga industriya katulad ng lana. Ito ay tinawa na sistemang domestic, kung saan sa loob ng tahanan ginagawa ang isang gawain. Ang namumuhunan ay bumibili ng lana at ipamamahagi ito sa mga manggagawang may kani-kanilang espesyalisasyon.

Ang mga Bayan sa Gitnang Panahon 

Ang muling pagsigla ng kalakalan at komersiyo noong Gitnang Panahon ay nakatulong sa paglaki ng mga bayan at lungsod.

Upang magpatuloy ang komersiyo, kinakailangang magkaroon ng sobrang produksiyon. Sa mga bayan nagaganap ang palitan.

Ang mga tao sa lungsod ay naging abala sa komersiyo at industriya. Naging tanyag ang Florence sa paghahabi ng kayo. Sa pagtatapos ng ika-12 na siglo, ang ilan sa mga bayan sa Flanders ay may populasyong higit sa 50 000 katao.

Kalaban ng mga bayan ang sunog at sakit. Kadalasan, ang mga bayan ay nagbabakuran ng mga pader, kaya't dikit-dikit ang mga gusali. Salat sa tubig at walang kagawaran na tagapatay ng sunog. Ang mga bayan ay madalas ding naaapektuhan ng epidemya, tulad ng buluntong, dipterya, at tipus na pumatay sa malaking bahagi ng populasyon.

Miyerkules, Disyembre 26, 2012

Actvity #4

"Ang Sistemang Pyudalismo at Manoryalismo"

Ang pyudalismo (feudalism) ay isang sistemang politikal at militar sa kanlurang Europa noong Gitnang Panahon. Sa panahong ito, nanaig ang kaguluhan at kawalan ng proteksiyon. Ang pyudalismo ay isang kasunduan sa pagitan ng mga aristokrista (aristocrat), o ng panginoon at basaylo (vassal). Pinagkalooban ng Panginoon (lord)  ang kanilang basaylo ng lupa kapalit ng serbisyong militar at iba pang anyo ng paglilingkod.

May dalawang pinag-ugatan ang pyudalismo. Isa rito ay ang ugnayang namagitan sa pangkat ng mandirigmang Aleman sa Kalakhang Europa noong Gitnang Panahon. May mga lider at mandirigmang magaling at matapang. Ang huli ay sumumpa ng katapatan sa kanilang pinuno hanggang sa kamatayan kung kinakailangan. Ang ikalawang dahilan naman ay nag-ugat sa sistema ng pagmamay-ari ng lupa. May pagkakataon na ang Panginoon ng kanyang lupain bilang kapalit sa pagtatrabaho sa kanyyang ari-arian. Ang ibang magsasaka ay kusang nagsusuko ng kanilang lupa sa panginoon bilang kapalit ng proteksiyon. Pinayagan ng panginoon na manatili sa lupang iyon hangga't sila ay nagtatrabaho para sa kanya.

Ang mga nobleman o panginoon ay kailangan ng mga hari upang labanan ang mga mananalakay. Bilang kapalit ibinigay ng mga hari ang kanilang mga fief o lupain. Ang ganitong sistema ay tinawag na piyudalismo. Ang mga tumanggap ng fief ay tinawag na basaylo.

Ang Lipunan sa Sistemang Pyudal

Nahati sa tatlong pangkat ang mga tao sa lipunang pyudal : ang noble, klerigo at mga pesante. Sa pangkat ng mga noble nabibilang ang mga hari, basaylo, at ang mga nakabababang panginoon. Ang kanilang katayuan ay namamana. Sa pangkat ng klerigo naman nabibilang ang mga matataas na opisyal ng Simbahan at mga pari. Sa pangkat ng mga pesante nabibilang ang mga magsasaka at nagtatrabaho sa bukid.

Sa ilalim ng pyudalismo, ang mga noble na kumukontrol sa mga lupain ay nagtataglay din ng kapangyarihang politikal, ekonomiko, husdisyal, at militar. Tungkulin ng bawat noble na mangolekta ng buwis at mga multa, tumayo bilang huwes sa mga pagtatalong legal, at magpanatili ang hukbo ng mga kabalyero sa loob ng kanyang teritoryo. Siya rin ang nangasiwa ng pagpapatanim sa mga manor kung saan naroon ang kanyang fief o lupain.
 
 Ang mga mahihihrap na naging mga klerigo ay naging pari sa mga nayon. Hindi gaanong kataas ang kanyang pinag-aralan. Siya ang nagbibigay ng payo at tulong sa mga magsasaka, tagaayos ng sigalot, at gumaganap ng seremonya sa simbahan. Nangongolekta rin siya ng mga butaw para sa binyag, kasal, at paglilibing.

Ang mga pesante ang nasa pinakamababang antas ng lipunan. Sila ang bumubuo ng malaking bahagdan ng populasyon. Sila ay umaasa sa mga noble para sa kanilang ibubuhay.  Ang isang pesante ay kailanman hindi maaaring maging noble, subalit ang isang tao na nagmula sa pangkat ng mga pesante ay maaaring maging klerigo at tumaas ang ranggo sa simbahan.


Mga Pananagutan at Pribilehiyo sa Relasyong Pyudal

Ang fief ay ipinagkaloob ng panginoon sa kanyang basaylo ay nababalutan ng isang sagradong kasunduan. Tinitiyak ng panginoon ang kaligtasan, proteksiyon, at katarungan para sa kanyang mga basaylo, bukod pa sa buong tiwalang pagpapagamit ng panginoon sa kanyang lupain.

 Bilang ganti ang basaylo naman ay nangangakong gagampanan niya ang kanyang mga tungkulin, tulad ng:
  • pagtatag ng kawan ng mga sundalo upang mag-alay ng serbbisyong militar sa panginoon ng 40 na araw sa loob ng isang taon.
  •  pagbibigay ng perang pantubos sa panginoon kapag nabihag siya sa digmaan, kung magiging kabalyero ang pinakamatandang anak na lalaki ng panginoon, at kung ang panganay na anak ng babae ay mag-aasawa.
  •  paglalaan ng tirahan at pagkain ng ilang panahon sa loob ng isang taon para sa panginoon at mga kasama nito.
  • pagdadalo sa mga tipon at seremonya, tulad ng kasal ng anak ng panginoon.
  • paglilingkod sa korte ng panginoon upang magpairal ng batas o katarungan.
Ang pagtatalaga na ito ai tinawag na lay investiture. Bagama't ito ai taliwas sa mga patakaran ng simbahan, pangkaraniwan naman ito sa Alemanya.

Mga Digmaang Pyudal

Pangkaraniwang ang digmaan sa pyudal sa pagitan ng mga kaharian. Ang ibang digmaan naman ay sa pagitan ng mga panginoon o kaya'y sa pagitan ng panginoon at basaylo.

Sa simula ng panahong pyudal, ang mga mandirgma ay gumagamit ng helmet na bakal at damit na yari sa kadena. Bitbit din nila ang mga espada, panangga, at sibat. Habang tumitindi ang digmaan, lalong nadaragdagan at bumibigat ang kasuotan ng mga mandirigma.

Malawakang kagutuman ang kadalasang epekto ng digmaan sa mga pesante. Nakita ng simbahan ang paghihirap ng mga tao. Nagpalabas ang simbahan na tinawag na "Kapayapaan ng Diyos" (Truce of God). Sa batas na ito, bawal ang paglalaban sa ilang mga pook, tulad ng simbahan. Pinairal ang batas tuwing linggo at tuwing mahal na araw. Habang tumatagal, lalong nadaragdagan ang mga araw na nagbabawal ng digmaan hanggang sa umabot na lamang sa 80 araw ang mga legal na araw para sa labanan. Hindi gaanong naipatupad ang batas na ito sapagkat maraming paglabag ang nangyari, tulad ng mga pribadong labanan.

Ang Mayornalismo

Sa Kanlurang Europa noong Gitnang Panahon, ang ekonomiya ay nakasalalay sa sistemang manoryal (manorial). Ito ay ang sistemang agrikultural na nakasentro sa mga nagsasariling estadong kung tawagin ay manor.

Ang sistemang manoryal ay nalinang sa panahong paliit ng paliit ang bilang ng mga bayan sa Europa. Ang pagbagsak ng Banal na Imperyong Roman ay nagdulot ng kawalan ng serbiso mula sa gobyerno. Bilang resulta, marami sa mga tao ang naninirahan sa mga manor bilang alipin.

Ang bawat manor ay sentro ng gawaing palipunan at pangkabuhayan ng mga taong nakatira roon. Ang sentro ng manor ay ang palasyo ng panginoon. Ang lupaing kinatatayuan ng palasyo ay tinawag na demesne. May bahagi ng manor na kakahuyan, pastulan, at taniman para sa lahat.

Ang mga pesante sa manor sama-samang nagtatrabaho sa bukid. Isang sistema sa bukid ang tinawag na three-field system. Sa sistemang ito, ang bukirin ay hinati sa tatlong bahagi: taniman sa tagsibol; taniman sa taglagas; at ang lupang hindi tinataniman. Ang taniman ay pinaiikot sa bawat taon upang maging matabang muli para sa susunod na taniman.

Ang Sistemang Kabalyerismo

Sa panahong pyudal umiral ang sistemang kabalyerismo. Ang pamamahay ng panginoon ay binubuo ng kanyang pamilya, mga bisita, at mga tauhan. Kadalasan, pinapadala ng isang panginoon ang kanyan anak na lalaki sa ibang kastilyo upang doon magsanay sa pagiging kabalyero.

Tinuturuan siya sa pagangabayo, wastong pangangalaga sa armas, at kagandahang-asal, tulad ng kababaang-loob at pamimitagan. Tinuturuan siyang lumaban habang nangangabayo at ng paraang ng paggamit mabibigat na sandata tulad nng sibat, palakol, espada, at pana. Sa isang seremonya na tinawag na accolade, habang nakaluhod ang squire sa harap ng panginoon, mahinang tapik sa balikat ng espada ng panginoon ang hudyat ng kanyang pagiging ganap na kabalyero.

Ang isang tunay na kabalyero ay inaasahang magiging isang matapang na mandirigma at tutupad sa kabalyerismo o sa mga alituntunin ng pagkamaginoo. Ang kabalyerismo ay hango sa salitang French na chevalier , na nangangahulugang 'isang mangangabayo'. Ang kodigong ito ng pagkamaginoo ay humingi sa kabalyero na maging matapat, magiliw, relihiyoso, at magalang sa mga nakatataas sa kanya at pati na sa kababaihan.

Ang Paghina ng Pyudalismo

Sa pagsapit ng ikalabintatlong dantaon ay humina na ang sistemang pyudal. Marami sa panginoong pyudal ay sumama sa krusada at karamihan sa kanila ay hindi na nakabalik. Ang iba naman, ay dahil sa pangangailangan sa salaping magagamit sa pagsama sa krusada ay nagbenta ng mga karapatan.

Ang nakakasindak na salot na tinawag na Black Death ay nakapagbpabago sa pamumuhay ng pyudal. Lumaganap ito sa buong Europa sa kalagitnaan ng ika-14 na dantaon. Lubhang nabawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga estadong pyudal. Ipinalalagay 30% hanggang 60% na populasyon sa Europa ang namatay dulot ng Black Death. Ang malaking bawas sa populasyon ay naging dahilan ng pagkakaroon ng kaguluhan sa ekonomiya.

Linggo, Disyembre 23, 2012

Activity #3

"Ang Simbahan sa Gitnang Panahon"

Ang Simula ng Kristiyanismo

Isinilang ang isang sanggol sa Bethlehem na sinamba ng sanlibutan bilang Anak ng Diyos. Siya ay si Jesus Christ na tinawag na Mesiyas o Tagapagligtas. Si Hesus ay lumaki sa Nazareth at siyya ay nagtrabaho bilang karpintero at nag-aaral ng mga kasulatan ng mga propeta. Sa huling tatlong taon ng kanyang buhay, siya ay naglakbay upang mag-aral.

Nang ipako sa krus at muling nabuhay, itinatag ni Hesus ang Kristiyanismo na sumibol mula sa Judaismo. Ang mga Kristiyano ay naniniwalang si Hesukristo ang katuparan sa ipinangako sa Lupang Tipan na manunubos, at siya rin ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas ang sangkatauhan.






Pinaniniwalaan na siya ay ipinako sa krus at muling nabuhay sa ikatlong araw, umakyat sa langit at muling magbabalik upang maghukom sa lahat ng tao ayon sa mga kabutihan at kasalanang nagawa.
Ang pangunahing aral ni Hesukristo na "Dapat mahalin ang Diyos ng higit sa lahat at mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa  sarili", ang siyang pangunahing doktrinang bumubuo sa kristiyanismo.

Ang Paglaganap ng Kristiyanismo

Ang kristiyanismo ay lumaganap sa silangan at kanlurang bahagi ng Imperyong Roman. Nang maitatag ang Simbahang Kristiyano sa maraming lupain, ito ang nakatulong upang mapabilis ang pagkalat ng Kristiyanismo.

Isang Hudyong tubong Galilee ang isa sa mga pangunahing misyonero. Ito ay si Apostol Pedro, isang dating mangingisda. Marami sa kanyang kababayan ay nananampalataya kay Hesus at nagsimulang mamuhay ayon sa kanyang mga aral.

Ang Kristiyanismo ay naging opisyal na relihiyon sa Imperyong Roman. Sinuportahan ito ng mga emperador na sina Constantine at Theodosius. Ang mga Frank ay nagsimulang magtatag ng kanilang bansa sa silangan at sa hilaga ng Gaul. Ang panananampalataya ng mga Frank ay nagbigay-daan sa pagyakap ng Kristiyanismo. Si Augustine, isang misyonerong monghe ay nahikayat na magpabinyag bilang Kristiyano.

Ang Organisasyon ng Simbahan

Ang buong pamunuan ng simbahan ay tinawag na herarkiya (hieracrchy). Ang pinakamataas na antas sa herarkiya ay ang Papa. Dahil ang Roma ang unang kabisera ng pamahalaang Roman, kinilala ang Papa sa Roma bilang pinuno ng lahat ng Obispo sa Kanlurang Europa. Ang Papa na ang naging ulo ng simabahan.

Katulong ng Papa ang isang Curia, na binubuo ng mga Kardinal na pinili mula sa pangkat ng Arsobispo. Kapag namatay ang isang Papa, ang mga Kardinal ang pumipili ng kanyang kapalit. Ang kapangyarihan ng Papacy ay nagmula kay San Pedro o St.Peter, na pinuno ng mga apostoles. Ang Papacy ay may tungkuling pambatasan, tagapagpaganap, at panghukuman. Nagtatatag din siya ng mga diocese, humihirang ng mga Obispo, kumukontrol sa mga orden panrelihiyon, namamahala sa mga misyon, nagtatatag at nangangasiwa ng mga unibersidad, at nagsasagawa ng mga seremonya para sa nagiging santo (canonization). Ang Papacy rin ang nagkakaloob ng indulhensiya at nagpapatupad ng mga regulasyon sa pagsamba.


Ito rin ang nagtatakda  ng mga patakaran sa pagsasagawa ng mga pamaraang panghukuman, nagpapatawad ng mga kasalanan, at nagbabago ng mga parusa. Nagpapadala ang Papacy ng mga nuncio at delegadong Apostoliko sa buong daigdig upang mapanatili ang pakikipagtalastasan sa mga Obispo.

Ang kardinal ay pumapangalawa sa Papa. Tinawag na kolehiyo ng mga Cardinal ang kabuuan ng mga kardinal na naghahalal sa Papa.



Ang Relasyon ng Tao at Simbahan

Ang simbahan ang kumakatawan sa isang Katoliko Romano. Tumatanggap ito ng sakramento ng binyag, kumpil, misa, kumpisal, kasal, at paglilibing. Si Augustine ay ipinadala sa Britain upang binyagan ang hari ng Kant at si Bonaife naman ay ipinadala sa Alemanya upang mangaral sa mga salita ng Diyos.

Augustine

Sa unang araw ng Kristiyanismo sa Syria at Ehipto, naitatag ang monasteryo. Naisip ni St.Benedict, na isang monghe, ang pagkakaroon ng alituntuning susundin ng monghe. Noong 519 CE, itinatag ang monasteryo sa Monte Casino at dito pinairal ang tatlong banal na panata ng kahirapan, kalinisan, at pagtalima sa utos ng Diyos. Tinawag ang panatang ito na Benedictine Rule. Ang panatang kahirapan ay nangangahulugan na ang isang monghe ay walang anumang ari-arian at kayamanan at kung mayroon ang mga ito ay  kailangan nila itong ipamigay. Ang panata naman ng kalinisan ay ang hindi pag-aasawa, samantalang ang panata ng pagsunod ay ang pangakong susundin ang ipinag-uutos ng abbot na siyang pinakamataas na opisyal ng monasteryo.
Ang pangunahing gawain ng mga monghe, ay ang pagdarasal. Para sa mga monghe, ang paggawa ang tunay na paglilingkod sa Diyos. Marunong magsaka, mag-alaga ng hayop, maglinis at gumawa ng iba pang gawain ang mga monghe.

Ang mga paaralan noong mga panahon na iyon ay itinatag ng mga monghe. Kinalinga rin nila ang mga maysakit, ang mga mahihirap, at mga manlalakbay. Malaki ang naitulong ng simbahan sa larangan ng kabuhayan. Ang simbahan din ang tumulong sa pagkakaroon ng tamang presyo sa panahong muling nabubuhay ang kalakalan at industriya. Sinikap ding pangalagaan ang mga nanghihiram ng pera sa pamamagitan ng pagbabawal ng magpataw ng interes.

Ang Krusada

Ang krusada ay banal na digmaan ng mga Kristiyano mula sa Kanlurang Europa upang mabawing muli  ang Banal na Lupain mula sa kamay ng mga Muslim. Ang krusada ay unang isinagawa noong 1096 at nagwakas sa huling bahagi ng ika-13 na siglo. Ang salitang krusada ay unang ginamit upang ilarawan ang mga pagsisikap ng mga taga-Europa na mabawi mula sa mga Muslim ang banal na lungsod ng Jerusalem na siyang lugar kung saan pinako si Hesukristo. Sa pagdaan ng panahon, ang Krusada ay ginamit upang ilarawan ang mga isinasagawa ng mga militar na Europeo laban sa mga hindi Kristiyano.

Pinagmulan ng Krusada

Pagkaraan ng kamatayan ni Charlemagne, ang Kristiyanong Europa ay napasailalim sa pag-atake ng mga dayuhan. Pinasok ng mga Magyar mula sa Asya ang Silangan at Gitnang bahagi ng Europa hanggang sa ika-10 na siglo. Sa simula ng 800 CE, ginulo ng mga Viking ang pamumuhay sa hilagang bahagi ng Europa at maging ang mga lungsod sa Mediterranean. Nagtatag ng himpilan ang mga militar ng Islamsa Italy at nawalan ng kapagyarihan ang Imperyong Byzantine.

"Mga Iba't Ibang Krusada"
Unang Krusada (1095-1099 CE)

May mga nangaral sa mga kanayunan at hinikayat ang mga tao na sumama. Isa sa mga nangaral ay si Peter, the Hermit. Pinangunahan niya ang Unang Krusada na sinamahan ng tinatayang 5,000 tao na binubung o ng mga magsasaka.
Inihanda ng mga panginoong pyudal sa Europa ang kanilang mga kabalyero para sa pakikidigma sa mga Muslim noong huling bahagi ng 1096. Namuno sa krusadang ito sina Robert, ang Duke ng Normandy; si Raymond VI, Konde ng Toulouse at si Godfrey, ang Duke ng Lomer Lorraine. Tagumpay nilang nabawi ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng maliliit na kaharian sa Palestine. Nanatili sa kamay nila ang Jerusalem hanggang 1187, ngunit muli itong naagaw ng mga Muslim.
Ikalawang Krusada (1147-1149 CE)

Ang Edessa ay hawak ng mga Turko noong 1144. Ang pangyayaring ito ang nagbunsod upang ilunsad ang Ikalawang Krusada. Pinangunahan ito nina Haring Louis VII ng France at Conrad III na Emperador ng Imperyo ng Rome. Tinungo ng hukbo ang Banal Asya Minor, subalit hindi pa nila nararating ang Edessa nang natalo na sila ng mga Turko.
Ikatlong Krusada ( 1187-1192 CE)

Napabalita ang pag-agaw ni Saladin, ang pinuno ng Muslim sa Jerusalem. Tinugon ito ng Ikatlong Krusada na pinangunahan nina Haring Richard I ng Britain, Haring Philip Augustus ng France, at Emperador Frederick Barbarossa ng Banal na Imperyong Roman. Naging malungkot ang kahinatnan ng Ikatlong Krusada. Nalunod si Emperador Frederick habang tinatawid ang isang ilog sa Asya Minor. Nagtalo naman sina Haring Philip Augustus at Haring Richard I.

Ikaapat na Krusada (1202-1204 CE)

Sa paghihikayat ni Pope Innocent III sa mga pangkat ng mga kabalyerong French ay inilunsad ang Ikaapat na Krusada. Ang pangkat ay nakasentro sa bansang Ehiptona itinuring na sentro ng kapangyarihang Muslim.
Ginamit nila ang mga sasakyang bapor ng Venice sa pag-asang maaagaw ang krusada ang Zara, ang lungsod sa baybayin ng Dagat Adriatic na siyang karibal ng Venicesa larangan kalakalan at komersiyo sa Constantinople. Pagkaraang maagaw ang krusada ang Zara, sunod nilang inatake ang Constantinople noong 1204.
Ikinagalit ng Europa ang ginawang ito ng mga kasapi ng Ikaapat na Krusada. Pinatawan  ni Papa Innocent III ng parusnag pagtitiwalag sa simbahan ng buong hukbo na umatake sa Zara. Pagkaraan ng limampung taon, muling nabawi ng Byzantine ang Constantinople, ngunit ang pagsalakay sa lungsod ay nagbunga ng pagsisimula ng pagbagsak ng Imperyong Byzantine at paglawak ng agwat ng Simbahang Katoliko sa silangan at kanluran.

Activity #2

"Ang Pagpasok ng Gitnang Panahon at ang Holy Roman Empire"

Ang Pananakop ng mga Tribung Teutonic

Ang mga taong sumalakay at nagwasak sa Roma ay kabilang sa mga taong nagsasalita ng wikang Teutonic. Ang mga taong ito ay naninirahan sa malawak na rehiyong mula sa Rhine hanggang Vistula sa gawing hilaga ng Danube na noon ay tinawag ng mga Roman na Alemanya.

Malaki ang pagpapahalaga ng mga Alemansa kalayaan. Iginalang nila ang mga dayuhan at pinaniwalaan ang kanilang salita at pangako at binigyang halaga ang kanilang karangalan. Ang mga pinuno ay naghari sa pamamagitan ng pakikisuyo sa halip na gumamit ng kapangyarihan. Itinakwil nila ang katiwalian at nanindigang hindi sila mahuhuli sa mga katiwalian. Mahilig ang mga Teuton kumain, uminom ng alak, at magsugal. Sa sugal lamang ay maaaring mawaldas ang kanilang kayamanan at kapa nangyari ito, maging ng kanilang kalayaan ay itataya saa sugal. Kapag muling natalo ay handa silang magpaalipin.

Ang bawat tribu ay may pinnunong pinipili ng mga malalayang tao na inakalang mabubunyi dahil kabilang sa ranggo ng maharlika. Ang hari ay pinapatalsik kapag umabuso sa tungkulin. Ilan sa mga kilalang tribu ay ang mga Visigoth o Kanlurang Goth o Silangang Goth, Vandal, Burgundian, Lombard, Frank, Angle, at Saxon.

Dahilan ng Pananalakay

May ilang dahilan sa pagsasalakay ng Teuton sa teritoryo ng Roma. Ipinagpapalagay na ilan sa mga may hilig sa digmaan at adventure. Ang pinakadahilan ay ang pagkuha ng kanilang lupa. Sa paglaki ng populasyon nila sumikip ang lupang pagsasaka at kaya nagkailangan sila ng lupa, at ang pinaka "available" na lupa ay nasa Roma.

Ang Banal na Imperyong Roman

Ang banal na Imperyong Roman ay isang entiting politikal na binuo ng mga lupain sa kanluran at Gitnang Europa na itinatag ni Charlemagne. Ang lakas ng imperyo ay nakasasalay sa kanyang lakas militar at husay diplomatiko ng mga namumunong mga emperador.

Narating ng imperyo ang kanyang kasikatan noong ika-12 siglo. Nang umalis noong 1806 ang huling emperador ng Banal na Imperyong Roman, ang panunungkulan ay tumugon sa salitang winika ni Voltaire na, The Holy Roman Empire was neither Holy, nor Roman, nor an Empire.

Kasaysayan ng Holy Roman Empire

Ang banal na Imperyong Roman ay isang pagsisikap na muling buhayin ang Imperyong Roman sa kanluran na humina ika-5 at ika-6 na siglo. Sa simula ng ika-8 na siglo, dalawang pangyayari ay nagbigay sigla sa muling pagbuhay ng Imperyong Roman sa kanluran.

  • Una, nawala ang malaking teritoryo ng Imperyong Byzantine dahil nakuha ito ng Muslim.
  • Habang bumagsak at pahina nang pahina ang Imperyong Byzantine, nagkaroon ng pagkakataon ang Papa na tanggihan ang pakikialam ng mga emperador ng Byzantine sa simbahan sa kanluran.
  • Lalo pang umigting ang tensiyon sa pagitan ng mga emperador ng Byzantine at ni  Gregory II at Gregory III nang itaas ng mga emperador ang mga buwis sa simbahan at nang ipagbawal ang paggamit ng mga icon sa simbahan.
  • Mula 726 hanggang 759 CE, ipinagbawal ng mga emperador ng Byzantine ang mga rebulto at larawan sa simbahan.
Pangalawa na ng pumasok ang mga Lombard sa Roma, humingi ng tulong ang Papa sa mga Frank. Ang mga Frank ay isang tribung may kontrol sa malaking bahagi ng teritoryo na ngayon ay tinawag na France. Si Pepin, the Short, ang unang hari ng mga Frank, ang lumaban sa mga Lombard. Nnag umupo sa trono ang kanyang anak na si Charlemagne, kanyang itinatag ang papal sovereignty sa mga lupain ngayon ay tinatawag na Italy. Tinangka ni Charlemagne na muling buhayin ang Imperyong Roman sa kanluran kung saan siya ang unang magiging pinuno.

Pinalawak ni Charlemagne ng kaharian ng mga Frank hanggang sa masakop ang halos kabuuan ng kanlurang Europa sa kanyang panunungkulan ay nadama niyang kaunti lamang ang kaalaman ng kanyang mga tauhan kaya't binigyan niya ito ng mga edukasyon.
  • Nagtayo siya sa imperyo ng katedral para sa pagsasanay ng mga bata na maglilingkod sa simbahan.
  • Nagtayo rin siya ng mga paaralan sa palasyo para sa kanyang sariling pamilya, at ibang tanyag na tao.
  • Nangumbida siya ng mga iskolar sa ibang lugar para magturo sa itinayo niyang "Palasyong Paaralan".
  • Ang malaking bahagi ng kanyang pamumuno ay naukol sa pakikipaglaban.
  • Sinakop niya ang mga Saxon sa Silangang Rhine at pinilit niya ang mga tao rito na tanggapin ang Kristiyanismo.
  • Itinaboy niya ang mga Muslim palabas sa France at sinako niya ang maliit na teritoryo sa timog ng Pyrenees na nakilala sa mahabang panahon sa tawag na Sepanis March.
  • Nagtungo rin siya sa Italy at kanyang tinalo ang mga Lombard at idinagdag nito ang lupain sa kayang dominion.
Naging tanyag na kabanata ng kanyang buhay ang pangyayari noong Pasko ng taong 800 nang igawad sa kanya ang titulong Emperador ni Papa Leo III. Laging naihahambing ang kanyang pamamahala sa pamamahala ng magagaling na emperador ng Imperyong Roman at dahil dito naisip ni Papa Leo III na karapat-dapat siyang maging guardian ng Roma at ng kapapahan sa halip na mapasakamay na ito ng Imperyong Byzantine.

Pinutol ng mga Papa ang kanilang ugnayan sa Constantinople at bumuo ng bagong imperyo sa kanluran na si Charlemagne ang siyang unang emperador.Ang koronasyon ni Charlemagne ay nagpatibay sa kanyang posisyon bilang emperador ng imperyo. Pinamunuan niya ang kabuuang Italy at itoo ang nagbigay-daan sa pagkilala ng banal na Imperyong Roman.

Bgama't ipinagpatuloy ni Charlemagne ang tradisyon ng dating Imperyong Roman, ipinakilala ng dating Imperyong Roman ang mga sumusunod:
  • Ipinamigay niya ang malawak na lupain sa lider ng militar.
  • Ipinagkaloob niya sa mga maliit na hari ang kapangyarihang administratibo, militar at hudikatura sa kanilang sariling teritoryo.
  • Nagtalaga siya ng mga missi dominici o mga inspector na mangangasiwa bilang kinakatawan.

Sabado, Disyembre 22, 2012

Activity #1

"Pag Usbong ng Europa"

Ang Paghahari nina Diocletian at Constantine

Nang bumagsak ang Roma ay pinagsikapan nina Diocletian at Constantine na iligtas ang imperyo. Ginaya ni Diocletian ang mga seremonya ng mga absolutong hari ng imperyong Persian at ginawang marangya ang kanyang korte.Pinili niya si Maximian upang mamahala dahil sa bigat ng pamamahala sa napakalawak na imperyo, kinakailangan niya humirang  ng katulong.

Kinilala ni Constantine ang Kristianismo. Ang lungsod ng Byzantine ay ginawa na kapital ng imperyo. Ang pangalan ng lungsod ay pinalitan na "CONSTANTINOPLE" at ito ang Bagong Roma.
Namatay si Constantine noong 337 CE, muling nanumbalik ang kaguluhan.Nag-aagawan ang mga hari sa trono upang mamuno. Ang pinakahuling pinuno ng nagkakaisang Imperyong Roman ay si Theodosius I. Namatay si Theodosius I ay nahati ang imperyo sa dalawa niyang anak na si Honorius na sa kanluran naging hari at si Arcadius naman sa silangan.

Ang Pagbagsak ng Roma

Nawalan ng saysay ang pagsisikap nina Diocletian at Constantine na maisalba ang imperyo. Malala na rin ang suliraning panloob ng Imperyong Roman.
Salik ng pagbagsak ng imperyong romano :
1.Kakulangan ng mga tapat, mapagkakatiwalaang at may kakayahang pinuno
2.Paglubha ng krisis pangkabuhayan
3.Paghina ng hukbong romano
4.Pagbaba ng moralidad ng mga romano
5.Kawalan ng katuturan ng pagkamamamayang romano
6.Pagsalakay ng mga barbaro
  
Mga Salik sa Pagbagsak ng Imperyong Roman
Pagpili ng Emperador 
 Nagsimulang magkagulo ang mga army legion sa mga lalawigan at nagsimula ang labanang sibil na tumagal ng 50 taon. Nag-agawan ang mga legion sa paglalagay ng mga emperador.Ang emperador ay naging tau-tauhan ng hukbo. Sa ganitong kalagayan ay lumikha ng krisis sa pamahalaan at ang tumugon sa pangangailangan ay sina Diocletian at Constantine.
May labinganim na namuno sa imperyo mula kay Marcus Aurelius (161-180 CE) hanggang kay Romulu Augustus (476-493 CE), huling emperador ng imperyo sa Silangan.

 Ang Paghina ng Ekonomiya ng mga Lungsod

Isa sa pinagkukunan ng pananalapi ng imperyo ay ang buwis sa mga lungsod. Ang Antioch at Alexandria ay mayaman at matatag sapagkat sentro ang mga ito ng kalakalan at industriya.Nang matigil ang pananakop ay nawalan na ng mapagkukunan ang mga kanluran.
Dahil sa madalas na labanan sa mga lungsod, mapanganib ang manirahan sa mga lungsod. 


 Ang Pagtaas ng Buwis

Dahil bumagsak na ang kita ng pamahalaan, kailangang mataas ang buwis. Maraming opisyal ang may mataas na suweldo at kailangang pakainin at paaliwin. Lahat ng ito ay gastusin ng pamahalaan.Ang ganitong sistema ay karagdagang gastos bukod sa hindi gaanong mapagkakatiwalaan ang mga sundalo.
Ang mga mahihirap ay walang nagawa, samantalang ang mga patricianay umiwas sa pagbabayad ng buwis.

Ang Pagbaba ng Populasyon

Ang paghina ng ekonomiya sa imperyo ay salik sa pagbaba ng populasyon. Maraming tao ang namatay dahil sa sakit. Nagkulang ang mga magsasaka sa mga lupa at ang mga trabahador sa pabrika. Sapilitan ding isinalin sa anak ang trabaho ng ama. Sa ilang bahagi ng imperyo, ang mga manggagawa ay nilagyan ng mga palatandaan upang hindi ito magpalit o magbago ng  trabaho.

Ang Pagsalakay ng mga Barbaro

Lumala ang sitwasyon ng namatay si Constantine at nang iatras ang mga sunndalo sa hangganan. Ang lupain na iyon ay naging bukas para sa mga tribung Barbaro.
Nagsimula ang pagsalakay sa Roma ng dumtaing si Attila at ang Tribung Hun mula sa Gitnang Asya. Hiniling ng mga Visigoth sa isa sa mga emperador na si Theodasius na manatili sa lugar upang sila ay makaligtas sa mababangis na Hun. Pagkatapos labanan sa Adrianople, nagmartsa ang mga Visigoth patungong Italy. Sa pamumuno ni Alaric, pinasok ng mga Visigot ang Roma at kanilan sinira. Sila ang nagtatag at nagpatuloy ng kanilang kaharian.